Bente o Sakim na Benta?
Ni Kristine Anjela C. Pablo
Pagiging matatag at magalang–ilan lamang ‘yan sa mga katangiang palaging iwinawangis sa mga Pilipino. Isa sa mga patunay nito ay ang mga magsasakang naging mukha na ng imahe ng agrikultura sa Pilipinas, siyang tagapamahagi at taga-ani ng pangunahing pangangailangan ng bansa–ang palay. Ngunit una man kung sila’y tawagin, tila huli naman ang gobyerno sas pakikinig sa kanilang mga hinaing.
Setyembre 19 nitong taon nang ideklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiwala siyang bawasan ang presyo ng bigas sa buong bansa at ibaba ito sa bente pesos.
Matatandaang isa ito sa mga pangakong inilatag ni Marcos Jr. sa kanyang kampanya noong 2022 National Elections. Para sa agriculture secretary, ang pagbabawas sa gastos ng produksyon ang paraan upang maging matagumpay ito.
Alinsunod nito ang kanyang planong mapabuti ang kita ng mga magsasaka pinangunahan ng Pangulo ang National Food Authority Council ang pag-apruba sa pagbabago ng presyo ng bigas.
Ang mga basang palay ay magkakahalaga ng P16 hanggang P19, samantalang P19 hanggang P23 naman sa mga tuyong palay.
Sa kabila ng mga pangakong ito, tila hindi sinasalamin sa katotohanan ang kanyang mga salita. Puros bente per kilo, ngunit mukhang mas nanaig pa yata ang mga sakim na nagbebenta sa merkado.
Kalakip nito ang patuloy na pagtaas ng bilihin na siyang nakaapekto sa pagbili ng mga pataba at abono ng mga magsasaka.
Sa panayam ng Rice Together, ibinahagi ng limamput anim na taong gulang na si Roberto Vergara ang pagharap sa pabago-bagong presyo ng bilhin.
Aniya, hindi ito sapat at kahit gamitin pa ng sikap at tiyaga, ay wala rin kung walang mga programang nakalaan sa parehong lokal at nasyonal na tulong ng gobyerno.
Pihadong nakakrus na rin ang kanilang mga noo ang tumataas na presyo ng mga pataba na kakailanganin upang mapanatili ang kanilang mga pananim.
Bukod pa, mahalaga rin ang edukasyon sa pagpapatibay ng kurikulum o pedagohiya upang makatulong sa binhi ng mga kabataan na pagyabungin pa ang pagsasaka bilang parte ng sektor ng agrikultura.
Bahagi man ng hapag-kainan, ang mga magsasaka pa minsan ang walang makain sa kanilang mga lamesa. Ang pangako bente pesos na tila isang kahig isang tuka, ay pinag-igting pa ng sakim na benta.